Taong Kalabaw
By: Melyn Apilis
Pawis
at luha ng mga tinatawag na taong kalabaw ay sabay na naglalakbay sa kanilang
pisngi o mukha para magampanan at matugunan lahat ng pangangailangan sa bahay
man o sa paaralan kaya naman puspusan ang kanilang pagsasakripisyo para
maitaguyod ng maayos ang kanilang pamilya.
Ang
pagbubungkal ng lupa sa bundok ay isang
uri ng paghahanap buhay kung saan isa ito sa pinagkikitaan ng mga tao sa
Cordillera lalong lalo na dito sa bayan ng Ifugao. Ang pagtatanim ng palay at
iba’t ibang klaseng gulay ang isang paraan para magkapera at karamihan sa mga
tao dito ay magsasaka.
Ang
pagiging isang taong kalabaw ay hindi madali, sabi nga ng mga farmers walang
katapusang paghihirap sa kadahilanang walang oras para makapagpahinga. Bawat
Segundo, minuto, at oras ay mhalaga sa kanila para tapusin ang naumpisahang
trabaho at nang maumpisahan ang ibang naghihintay na trabaho. Tag ulan man o
tag araw makikita mo ang taong kalabaw na buo ang loob at walang takot na
harapin ang mga dumarating na suliranin sa kanilang buhay. Tatag lang ng loob ang
kanilang baon sa bawat hakbang ng kanilang paglalakbay. Sa bawat araw,
nakikipagsapalaran ang mga taong kalabaw lalong lalo ng pag dumating ang
panahon ng pag aani kung saan dito nila makikita ang bunga ng kanilang pawis at
pagod sa mahabang panahon ng kanilang pagtatrabaho. Mapapansin mo lang ang mga
ngiti sa kanilang mga pisngi pag mataas ang presyo ng kanilang mga pananim,
kung bagsak naman ay madudurog ang puso at makakaramdam ka ng awa sa kanila at
mapapaisip ka na para bang nawalan ng saysay ang kanilang mga pinagpaguran ng
ilang buwan para lang maalagaan ang kanilang mga producto.
Maraming
tao ang naghahanap ng trabaho lalo sa panahon ngayon. Mga estudyanteng nakapagtapos
ng pag aaral na wala namang mapasukang trabaho ay bumabagsak at bumabalik na
lamang sa pinanggalingan, ang maging taong kalabaw at magbungkal ng lupa para
masustentuhan ang mga pangngailangan.
Karamihan
sa mga taong kalabaw ay walang pinag aralan dahil sa kakulangan ng edukasyon sa
ating bayan o kaya naman ay dahil sa
walang pera para pambili sa mga kailangan sa paaralan kung kaya’t wala silang
ibang mapuntahan kundi maging taong kalabaw. At kung bumibigay na ang kanilang katawan
ay pinipilit pa rin nilang bumangon alang alang sa kinabukasan.
Paghihirap at pagod man ang kanilang
nararanasan ay patuloy pa rin silang nagtitiis at umaasa na pagdating ng
panahon ay mabigyan diin at pansin ang pagsasaka.
No comments:
Post a Comment